Mag-enjoy ng mas maraming tampok sa pamamagitan ng MT5 Platform ng BDSwiss. Ang MT5 ng BDSwiss ay ang pinakabago at pinakamakabagong MetaTrader platform na nagbibigay ng lahat ng mapagsimunong tampok ng MT4, kasama ang mga mas makabagong kagamitan at indicator sa pangangalakal na pinahihintulutan ang mga mangangalakal na higit na kontrolin ang kanilang mga kalakal at gumawa ng mga mas may-kabatirang desisyon gamit ang inobatibong pag-aanalisa.

MT5 BDSwiss

Ang online trading platform na MetaTrader 5, o karaniwang kilala bilang MT5, ay ang kahalili ng kilalang MetaTrader 4 (MT4). Sa paglipas ng mga taon, namuhunan ang MetaQuotes sa patuloy na pagpapaunlad, pagsubok at mga pagpapabuti, na siyang nakatulong na gawin ang MT5 ang pinakamakabago at inobatibong trading platform sa buong mundo na may mga pinalawak na posibilidad. Dinadala ng MetaTrader 5 (MT5) ang sikat na charting package at ang mga awtomatikong posibilidad sa pangangalakal sa panibagong antas. Ang lahat ng tampok na naging dahilan kung bakit paborito ng lahat ang MetaTrader 4 (MT4) ay minintina at in-upgrade sa mas sopistikadong back end infrastructure na kayang suportahan ang pangangalakal sa iba’t-ibang instrumento mula sa magkakaibang klase ng asset.

Habang nagbibigay ng pinagandang karanasan sa pangangalakal, pinahihintulutan ng MT5 ang mga kliyente ng BDSwiss na kumalakal ng napakaraming bilang ng mga instrumentong CFD mula sa magkakaibang klase ng asset tulad ng mga pares ng currency, sapi, kalakal, aksyon, indise at cryptocurrency—lahat sa iisang platform na may iba’t-ibang pagsasaayos, walang restriksyon sa estratehiya*, minimum na slippage at napakabilis na pagsasagawa ng order.

* mangyaring tandaan na ipinagbabawal ang anumang klaseng pangangalakal na mapag-abuso

Mga Bentaha at Benepisyo

  • Pangangalakal ng Iba’t-ibang Asset sa higit sa 250 CFD
  • Ganap na akses sa inong account at kasaysayan ng order
  • Mga tampok sa iba’t-ibang wika
  • Mga pang-araw-araw na pahayag ng account
  • Panloob na sistema ng koreo
  • Magtakda ng mga antas ng Stop Loss at Take Profit
  • Awtomatikong pangangalakal gamit ang Mga Expert Advisor
  • Ang kakayahan na ipatong ang mga analitikal na pagsusuri
  • Maraming opsyon sa pagtsatsart at pag-aanalisa
  • Kakayang ipakita ang 100 tsart nang sabay-sabay
  • Higit sa 80 Teknikal na Indicator at higit sa 40 Analytical na Bagay
  • Napakagandang kasamang MQL5 na development environment
  • Sumusporta sa mga makabagong uri ng order, kabilang ang nakabinbin, stop at trailing stop

Tandaan
Kung kayo ay may MetaTrader 4 account, hindi ninyo magagamit ang MetaTrader 5 gamit ang inyong mga credential para sa MT4 at baliktad. Kung gusto ninyo ng mga account para sa parehong MT4 at MT5, kailangan ninyong magbukas ng hiwalay na trading


Ang inyong kapital ay nasa panganib